GRACE
PANGANIBAN
PANALANGIN
NG KARGADOR
Panginoon,
ngayong Linggo,
dito
Kita sasambahin sa kanto
kasama
ng mga kaibigan at katoto.
Ipagpaumanhin
Mo po
ang
hindi ko pagpunta sa simbahan.
Sakit
po kasi ng likod ko'y
hindi
ko na makayanan.
Matagal
na rin pong
gumagapang
ang kirot na ito.
Minsan
nga po,
sa
gabi, nangingisay ako
kapag
tila treng umaandar
ang
kirot sa aking buto,
at
tila binabasag ng martilyo
ang
gulugod ko.
Ipagpaumanhin
po Ninyo
kung
dito ko kayo sasambahin;
sa
piging ni San Miguel, sa baso at yelo.
Sa
ganitong paraan ko po nadarama
ang
kamay N'yong mapagpala
na
humahaplos sa akin
upang
ako'y paginhawahin.
Sa
ganitong paraan lang po ako nangingiti
matapos
ang isang linggong pagngiwi
sa
bugbog ng trabaho,
sa
kaltas ng kapatas sa suweldo.
Panginoon,
ngayong Linggo,
ipagpatawad
Ninyo,
dito
Kita sasambahin sa kanto
kasama
ng mga kaibigan at katoto
upang
mapawi ang sakit
ng
isipa't katawang
hindi
na kayang ibsan
saanmang
simbahan.
|